Pinangunahan ni Barangay 399 Chairman Roy Quizon, kasama ang iba pang opisyal ng barangay, ang paglalagay ng mga warning sign para ipatupad ang curfew na itinakda ng lokal na pamahalaan ng Maynila nitong Hulyo 5, 2025. Ang curfew para sa mga menor de edad, na ipatutupad mula 10:00 p.m. hanggang 4:00 a.m., ay alinsunod sa direktang utos ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga kabataan sa lungsod. #DWAR1494 #NewsPH #AbanteNews #curfew #ManilaCity